DOJ, magsasagawa na ng pagdinig sa kaugnay sa pagkamatay ni Albuera Mayor Espinosa, bago mag-Pasko

INQUIRER FILE PHOTO/ROBERT DEJON
INQUIRER FILE PHOTO/ROBERT DEJON

Bago mag-Pasko, sisimula na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa reklamong isinampa laban sa mga pulis na isinasangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at isa pang preso sa Leyte Sub-Provincial Jail noong November 5.

Ang unang hearing ay gaganapin sa December 20 araw ng Lunes.

Ang mga reklamong murder, robbery, malicious procurement of search warrant, perjury at planting of evidence ay inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) sa DOJ laban sa 25 respondents.

Kasama dito si Superintendent Marvin Marcos at iba pang miyembro ng CIDG raiding team.

Ang ikalawang pagdinig ay itinakda ng DOJ sa January 8, 2017 kung saan inaasahang magsusumite ng kanilang counter-affidavits ang mga respondent.

Una nang lumabas sa findings ng NBI na rubout ang naganap sa bilangguan na ikinasawi ni Espinosa at Raul Yap.

 

 

Read more...