LPA na binabantayan ng PAGASA nasa bahagi na ng Subic

Maliit pa rin ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan ng PAGASA sa 70 kilometers South ng Subic.

Ayon sa PAGASA, ang northeast monsoon naman ay naka-aapekto pa rin sa Extreme Northern Luzon at inaasahang lalakas pa sa susunod na mga araw.

Ngayon araw, sinabi ng PAGASA na magiging maulap ang papawirin na mayroong mahinang pag-ulan sa mga isla ng Batanes at Calayan.

Habang isolated thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa Mindanao, makararanas naman ng bahagyang maulap na papawirin at isolated na thunderstorms ngayong maghapon.

Sinabi naman ng PAGASA na inaasahang mas magiging maaliwalas na ang panahon ngayong araw.

 

 

Read more...