Lalaki patay sa buy-bust operation sa Maynila

malabonNanlaban sa mga pulis hanggang sa mamatay ang suspek na target ng buy bust operation ng Manila Police District Station 10 sa Barrio Banana sa Pandacan, Maynila pasado hatinggabi.

Kinilala ang nasawing suspek na si Randy Balaguer na nasa drug watchlist ng MPD Station 10.

Nasa P500 sana ang halaga ng shabu dapat ang bibilhin sa kanya ng operatiba, pero bago pa magkabayaran, natunugan ni Balaguer na pulis ang kanyang katransaksyon kaya pinaputukan umano nito ng baril ang pulis.

Hindi naman nagdalawang isip ang mga pulis na gumanti ng putok na agad kinasawi ng suspek.

Nakakuha ang SOCO sa crime scene ng cal. .38, tatlong basyo ng 9mm, isang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Si Balaguer ay dati ng sumuko sa oplan tokhang, pero sa impormasyon na natanggap ng otoridad patuloy pa ring nagbebenta ng iligal na droga ang suspek.

Read more...