Unang humandusay sa tabi mismo ng kanilang mamihan si Rodita, habang nakatakbo pa sa loob ng compound si Angelito pero napatay din ng mga suspek.
Anim na putok ng baril ang narinig sa lugar mula sa dalawang suspek na ang isa ay nakasuot ng pulang helmet, habang ang angkas ay nakatakip ang mukha.
Hinala ng kaanak ng mga biktima, posibleng may kinalaman sa pagpatay sa mag asawa ang minsang ng naging tenant ng mag-asawa sa paupahan nito na sinampahan nila ng kaso dahil sa hindi nagbabayad ng upa.
Dahil simula umano na palayasin ng mag-asawa ang dati nilang tenant, lagi umano itong nagbabanta na papatayin ang mag-asawang Rarugal.
Anim na basyo ng baril ang nakuha sa lugar, habang inaalam pa ng mga otoridad kung may kinalaman sa bawal na gamot ang insider.