Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pag-amyenda sa Sin Tax Law.
Sa botong 176–pabor, 30-tutol at 3-abstain, nanaig ang pagnanais ng mga mambabatas na mapagtibay ang House Bill 4144 kung saan pananatilihin ang two-tier system ang buwis sa sigarilyo.
Ibig sabihin, itataas sa 32 pesos kada pakete ang buwis sa murang brand, at 36 pesos para sa high-end na sigarilyo.
Kumpiyansa naman si Ways and Means Committee Chairman Dakila Carlo Cua na magtatagumpay ang layunin ng panukalang amyenda sa Sin Tax Law.
Ayon kay Cua, makatuwiran ang layunin nito na magkaroon ng balanse kung saan mabubuhay ang kabuhayan ng mga magsasaka ng tabako.
Gayundin ang unti-unting pagpapababa sa paninigarilyo habang may dagdag ring kita ang gobyerno.
Binanggit ng kongresista na umabot na sa 4.5 milyong Pilipino ang tumigil sa paninigarilyo matapos maipasa ang Sin Tax Law dahil sa mataas na buwis.
Iginiit pa nito na hindi rasonable na ipareho ang buwis para sa mamahalin at mumurahing sigarilyo.
Inihalimbawa pa nito sa buwis sa pagbili ng imported na Mercedes Benz o owner-type jeep.