Sa pre-departure speech ng pangulo sa bago tumulak sa Cambodia para sa state visit, sinabi nito na kapag nagkataon, magdudulot lamang ito ng malaking regional problem.
Paliwanag ng pangulo, mabuti na rin na hindi nag-qualify ang Pilipinas sa TPPdahil hindi naman ganun ka-modernisado ang bansa.
Kapag nagkataon na nakasama ang Pilipinas sa TPP, hindi na maaring makapagbenta dito ng generic na gamot at bagkus ay pawang branded at mamahaling gamot na lamang ang mabibili sa merkado.
Ang TPP ay isang trade agreement ng labing dalawang bansa sa Pasipiko.
Kabilang dito ang bansang Australia, Brunei, Canada, Chile, Japan Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Singapore, Vietnam at ang Amerika.