Hindi natatakot si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa mga plano na tanggalin siya sa puwesto.
Sa panayam sa kanya sa Meet the Inquirer Multimedia forum, inamin nito na nakarating na sa kanya ang mga diumanoy plano na ipa-impeach siya o kaya naman ay posibleng pag-appoint sa kanya bilang Ambassador sa ibang bansa para malagyan ng tao ng administrasyon ang Office of the Ombudsman.
Pero ayon kay Morales, hindi siya natatakot sa mga nasabing banta kung iyon man ang gustong gawin ng mga nagpapakalat ng mga nasabing balita.
Katunayan, matapang pang hinamon ni Morales ang mga may pakana nito na subukan siyang iimpeach.
Ang ipinagtataka aniya niya ay kung bakit may nagkaka-interes sa kanyang posisyon na tinawag nitong “thankless job”.
Si Ombudsman Morales ay appointee ni dating Pangulong Noynoy Aquino at may termino na matatapos pa sa 2018.