CGMA bilang lider ng Kamara, Malabo ayon kay Alvarez

CGMA Congress
Inquirer file photo

Tinawag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ‘kwentong-kutsero’ ang balitang papalitan siya ni House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo bilang Lider ng Kamara.

Napaulat din na ipupwesto si Alvarez sa Department of Transporation o DOTr na magiging kapalit ni Sec. Arthur Tugade.

Pero pasaring ni Alvarez, hindi raw niya malaman kung natutulog ang nagsabi ng naturang balita, o baka ginu-good-time lamang ang mga tao. Giit pa nito, sakaling ilipat siya sa DOTr ay demotion ito.

Mas gugustuhin umano niyang manatili siya sa Kamara bilang House Speaker.

Si Alvarez ay dati nang nagsilbi bilang Transportation Secretary noong administrasyon ni dating Pangulong Arroyo.

Si CGMA naman ay isa sa labing apat na deputy speakers ng Kamara ngayong 17th Congress.

Samantala, nagpasalamat naman si Alvarez sa mga kongresista dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa Kamara ay naipasa ng mas maaga ang pambansang pondo bukod pa sa palaging may quorum tuwing may sesyon.

Read more...