Pusher patay sa buy-bust operation sa Caloocan

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga sa DM Compound, Brgy. 73, Caloocan City, matapos manlaban sa ikinasang buy bust operation ng Caloocan Police laban sa nasawing suspek kaninang madaling araw.

Kinilala ni Caloocan prosecutor Darwin Cañete ang suspek sa alyas Bobot.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkasundo ang suspek at ang isang police na nagpapanggap na bibili ng shabu na magkita sa lugar, pero nakatunog umano ang suspek na police ang ka-transaksyon nito kaya bumunot ito ng baril.

Mabilis naman nakapagpaputok ng baril ang mga police na agarang ikanamatay ng suspek.

Nakakuha naman ng ilang small plastic sachet ang mga pulis at isang revolver na gamit umano ng suspek.

Read more...