Miyembro ng bukas kotse gang, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Malate, Maynila

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Pasado ala una ng madaling araw ng matyempuhan ng nagpapatrolyang police ng Manila Police District ang apat na miyembro ng bukas kotse gang sa panulukan ng Ayala St. at Arellano Ave., sa Malate, Maynila.

Ayon kay Chief Insp. Paulito Sabulao ng Malate PNP, tinangkang buksan ng apat na suspek ang pulang Adventure na may plakang NP 3226.

Nang sisitahin sana ng pulis ang mga suspek, bigla umano silang pinaputukan ng mga ito.

Nakipagbarilan naman ang pulis, dahilan para mapatay kaagad ang isa sa mga suspek, habang nakatakas naman ang tatlong kasabwat nito sakay ng motorsiklo.

Nakuha sa crime scene ang isang revolver na gamit umano ng napatay na suspek.

Read more...