Duterte, nag-sorry sa mga inosenteng napapatay sa crossfire sa kanyang anti-drug campaign

 

Inquirer file photo

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga inosenteng biktima na nadadamay sa pinaigting na kampanya ng kanyang administrasyon sa iligal na droga.

Paliwanag ni Pangulong Duterte, hindi siya nagsisisi sa kanyang naging desisyon na sugpuin ang droga sa bansa ngunit humihingi siya ng dispensa sa pamilya ng mga nasasawi sa ‘crossfire’ sa kanyang kampanya kontra droga.

Ayon pa sa pangulo, naiintindihan niya ang lahat ng kanyang tinatanggap na kritisismo at pagpuna dahil sa kampanya kontra droga.

Ngunit dapat aniyang mapagtanto ng mga ito na nasa apat na milyon ang adik sa bansa kaya’t dapat itong bigyan na ng kaukulang pansin ng pamahalaan.

Dapat din aniyang magtuluy-tuloy na ang kampanya kontra droga upang hindi na muling dumami pa ang nabibiktima nito.

Read more...