Mga unibersidad, hinihimok na suportahan ang pagkontra sa panunumbalik ng parusang bitay

.

Kinakapos na ng panahon ang mga grupong kumukontra na maibalik ang death penalty sa bansa.

Ito ang dahilan kung kayat kailangan na ng tulong ng iba’t-ibang grupo kabilang na ang mga estudyante ng iba’t-ibang unibersidad at paaralan upang mapigilan ito sa lalong madaling panahon.

Sa kanyang pagsasalita sa forum sa UP Diliman, sinabi ni Commission on Human Rights commissioner Karen Gomez-Dumpit na panahon na upang palakasin ang tinig ng mga kabataan at palakasin rin ang kampanya kontra death penalty.

Mahalaga aniya magkaisa ang mga kabataan at mga mag-aaral upang maipakalat ang mensahe na isang karapatan ang mabuhay sa mundo.

Sa naturang forum rin sinabi ni Dumpit na kanilang binuo na ang grupong Universities Against the Death Penalty na inisyatibo ng University of Oslo.

Sa kasalukuyan aniya, nasa 37 unibersidad ang miyembro ng samahan.

Noong nakaraang linggo, pumasa na sa justice committee sa Kamara ang panukalang maibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Read more...