Napapatay na drug personalities, nasa 2,086 na-PNP Double Barrel

 

Pumalo na sa mahigit sa 2 libo ang bilang ng mga napapatay sa Project Double Barrel ng PNP.

Sa tala, simula July 1 hanggang December 12 umaabot na sa 2,086 ang mga drug suspect na napapatay sa umaabot sa 38,681 na mga anti-illegal drugs operation.

Umaabot naman sa 40,612 ang naaaresto sa kabuuan na 5,011,653 na mga bahay ang sumailalim sa Oplan Tokhang.

Mayroon namang kabuuan na 897,644 na mga drug pusher at user ang sumuko.

Samantala, umaabot naman sa 19 na pulis naman ang napapatay sa mga anti-illegal drugs operation habang 54 ang nasugatan.

Sa panig naman ng militar, 3 sundalo ang napatay at 8 ang nasugatan.

Read more...