Baril ng mga pulis, hindi na bubusalan sa bisperas ng New Year

 

Inquirer file photo/AP

Hindi na ipapatupad sa buong pwersa ng PNP ang ‘muzzle taping’ o pagseselyo ng mga dulo ng mga baril ng mga pulis na nakagawian tuwing holiday season.

Ito ang kinumpirma ni Director Camilo Pancratius Cascolan ng Directorate for Operations ng PNP.

Ayon kay Cascolan, ipinalabas ang direktiba ni Chief PNP Ronald Dela Rosa hinggil dito noong huling isinagawang command conference sa Kampo Crame.

Giit ni Cascolan, nais nilang ipakita sa taumbayan na disiplinado at mapapagkatiwalaan ang PNP bilang isang organisasyon kung kaya di na kailangan ng muzzle taping na laging ipinag-uutos tuwing magpapasko at bagong taon.

Bunsod na rin ito ng kabi-kabilang mga nabibiktima ng indiscriminate firing dahil sa holiday revelry at pagsasaya sa tuwing Bagong Taon.

Read more...