Kaso vs De Lima, isasampa na ng Kamara sa DOJ at Senado

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Ihahain na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong araw ang mga kaso laban kay Senadora Leila De Lima.

Ayon kay House Justice Committee Chairman Rey Umali, maghahain sila ng reklamo kontra kay De Lima sa Department of Justice at Senado mamayang hapon.

Sa DOJ, paglabag sa section 150 ng Revised Penal Code ang kahaharapin ni De Lima dahil nanghimasok umano ito sa proseso ng kamara nang harangin at pagtaguin si Ronnie Dayan upang hindi makadalo sa Bilibid probe ng justice panel.

Sa senado naman, ethics complaint ang isasampa laban kay De Lima.

Inaasahan na bukod kay Umali, kasama sa maghahain ng mga reklamo ay sina House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Farinas.

Matatandaang na nag-isyu noon ng show cause order ang kamara laban kay De Lima upang magpaliwanag.

Gayunman, napaso ang 72-hours na deadline at nagmatigas si De Lima na hindi tugunan ang kautusan.

Si De Lima ay umano’y nasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons noong panahong siya’y kalihim ng DOJ, batay sa mga testimonya ng mga saksi na nagbigay ng salaysay sa house probe.

 

Read more...