Nakatakda ang opisyal na panunumpa sa pwesto ni English ngayong araw sa Government House sa Wellington.
Habang si Paula Bennett naman ay itinalaga bilang deputy prime minister.
Ayon kay Peter Goodfellow, presidente ng partido, ang dalawa ay kapwa outstanding leaders at inaasahang magiging maganda ang kombinasyon sa pamumuno dahil sa kanilang karanasan.
Inaasahang patuloy na matatanggap ng mga New Zealander ang kanilang benepisyo sa ilalim ng bagong liderato.
Ang 54-anyos na si English ay preferred candidate ni Key para pumalit sa kaniya sa pwesto.
Nanilbihan kasi si English bilang finance minister at naging maganda ang performance.
Isang farmer at mayroong degrees sa commerce and literature si English at nagsimulang manilbihan sa parliament noong 1990, bago naging lider ng National Party noong 2002.
Si Key ay nagbitiw noong nakaraang linggo matapos ang walong taon na panunukulan bilang Prime Minister at pamilya ang kaniyang idinahilan.
Excerpt: Ang 54-anyos na si Bill English ang pumalit kay John Key bilang Prime Minister ng New Zealand.