Archbishop Villegas, itinangging may kinalaman siya sa pagtitipon ng anti-Marcos group sa Huwebes

Photo from Archbishop Socrates Villegas' FB
Photo from Archbishop Socrates Villegas’ FB

Itinanggi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na may kinalaman siya sa isasagawang misa at pagtitipon sa Huwebes ng mga grupong tutol sa Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani.

Sa mga kumalat kasing impormasyon sa Facebook, ginamit ang larawan ni Villegas sa pag-imbita para sa tinaguriang “SAMBAYANAN” o Simbang Gabi ng Siklab Bayan na isasagawa ng Coalition Against the Marcos Burial at the Libingan Ng Mga Bayani (CAMB-LNMB).

Nakasaad na ang “SAMBAYANAN” ay gaganapin sa Huwebes, December 15, 2016, alas 9:00 ng gabi sa Edsa People Power Monument.

Hinihikayat din ng grupo ang mga dadalo sa misa na magsuot ng itim na damit at magdala ng kandila.

Sa kaniyang Facebook post sinabi ni Villegas na wala siyang kinalaman sa nasabing pagtitipon at hindi siya nangbigay ng permiso kaninoman para gamitin ang kaniyang larawan.

“I do not know anything about this. There was no permission to use my photo. I am not at all connected to this event. Please correct the misinformation,” ayon kay Villegas.

Sa paanyaya ng nabanggit na koalisyon, isinabay umano ang ang pagtitipon sa tradisyunal na magsisimula ng Simbang Gabi.

Ginamitan din imbitasyon para sa pagtitipon ng mga hashtag na #SAMBAyanan at #MarcosHindiBayani.

 

Read more...