Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa 125 kilometers North ng Virac.
Kasabay nito, nagbabala ang PAGASA ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na maaring maranasan sa Camarines at Quezon provinces na maaring magdulot ng flashfloods at landslides.
Habang magiging maulap naman ang papawirin na mayroong light hanggang moderate na pag-ulan at thunderstorms sa nalalabing bahagi ng Bicol region at sa Samar province.
Dahil naman sa umiiral na Hanging Amihan sa Northern Luzon, makararanas ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan ang mararanasan sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera.
Habang sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, isolated na pag-ulan at thunderstorms lamang ang mararanasan.