Ito aniya ay para magkaroon ng sapat na panahon, at maging masinsin ang debate ng mga mambabatas tungkol sa isyu na isa sa mga priority legislative measures ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Castro, siya ang responsable sa pag-usog ng diskusyon tungkol sa panukala dahil nais rin niyang paghandaan ang pag-depensa nito sa plenaryo.
Isa si Castro sa mga principal authors ng House Bill No. 1 na naglalayong ibalik ang capital punishment para sa mga heinous crimes, matapos itong buwagin ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo noong siya’y pangulo pa.
Giit ni Castro, kailangang maiparating at maipaunawa sa mga tao ang nasabing panukala, lalo na sa mga umaayaw dito dahil sa paniniwalang dapat respetuhin ang buhay.
Aniya pa, maaring maipasa ito sa Kamara kung magkakaroon lang ng araw-araw na debate para dito.
Sa ngayon ay mayroong 21 heinous crimes na naka-lista sa panukala na papatawan ng parusang bitay, na ayon kay Castro ay masyado pang kaunti.
Kabilang sa mga krimen na nasa panukala ay ang treason, qualified piracy, qualified bribery, parricide, murder, infanticide, rape, kidnapping and serious illegal detention, plunder at marami pang iba.