Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, ilang mga opisyal umano ng Bureau of Immigration ang tumanggap ng “massive payoffs” para sa pagpapalaya ng ilan sa 1,316 na Chinese nationals na naaresto dahil sa iligal na pagtatrabaho sa online casino ni Lam sa Fontana Leisure Parks and Casino sa Pampanga.
Wala aniya silang palalampasing detalye at wala rin silang sasantuhin sa imbestigasyon.
Tiniyak rin ni Aguirre na pananagutin nila ang mga responsable dito, dahil walang lugar ang katiwalian sa hanay ng DOJ.
Malinaw aniya ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa katiwalian, at tiniyak niyang susundin nila ang madnatong ito.
Una nang ibinunyag ni Aguirre ang tangka umano ng kinatawan ni Lam na si dating Senior Supt. Wally Sombrero na suhulan siya, pati na rin si Philippine Amusement and Gaming Corp. chair Andrea Domingo.