DepEd, pinag-iisipan pang maigi ang planong pamimigay ng condom sa mga paaralan

doh condom Paulyn-Ubial-620x413Hindi mapalagay ang Department of Education (DepEd) sa plano ng Department of Health (DOH) na mamigay ng mga condoms sa mga paaralan sa susunod na taon, bilang bahagi ng kanilang strategy para mapigilan ang pagdami ng kaso ng HIV at AIDS sa mga kabataang Pilipino.

Ayon sa DepEd, kinikilala naman nila ang pangangailangan na harapin agad ang problema ng pagkalat ng nasabing sakit sa mga kabataan, pero kailangan rin muna nilang magsagawa ng masinsinan at maingat na diskusyon tungkol dito, kasama ang DOH.

Ito ay upang matukoy kung nararapat nga ba talaga na isama ang mga paaralan at mga learning institurions sa planong ito.

Kung hindi naman ayon sa DepEd, kailangan nilang alamin ang iba pang paraan kung saan hindi naman mako-kompromiso ang karapatan at responsibilidad ng mga magulang na magturo ng sex education sa kanilang mga anak, nang hindi sila nailalagay sa panganib ng pag-subok ng pre-marital sex.

Gayundin anila ang pag-kunsidera sa mandato ng estado na protektahan ang mga menor de edad mula sa anumang uri ng pang-aabuso.

Bago nila payagan ang planong ito ng DOH, nais munana glamin ng DepEd kung paano at bakit sa kabila ng progresibong pag-iisip sa ibang mga bansa, hindi ito ginagamit ng lahat.

Ipinangako naman ng DepEd na paglilinangin pa ang sex education na nasasakop sa frameworks ng human rights, pati na ang kaligtasan ng mga estudyante sa pamamagitan ng age-appropriate at developmental reproductive health education na sisimulan agad sa Grade 1.

Base sa datos ng SOH, mayroong 38,114 na HIV/AIDS cases ang naitala mula 1984 hanggang October 2016.

Read more...