160 patay sa pagguho ng simbahan sa Nigeria

Nigerian-church-collapse-TV-screencap-11-Dec-2016Hindi bababa sa 160 katao ang nasawi matapos silang mabagsakan ng bubong ng simbahan, at ng metal girders na sumusuporta dito sa southern Nigeria.

Umaapaw ngayon ang mga morge sa Uyo city ng Nigeria dahil sa nangyaring trahedya kung saan biglang nabagsakan ng bubong ang mga taong sumasamba.

Ayon pa sa medical director ng University of Uyo Teaching Hospital na si Etete Peters, inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa trahedya.

Hindi pa pala tapos ang konstruksyon ng Reigners Bible Church International, pero matagal na itong minamadali ng mga trabahador dahil kailangan itong matapos para sa seremonya noong Sabado.

Iyon kasi ang panahon ng pag-ordain sa kanilang founder na si Akhan Weeks bilang isang bishop.

Daan-daang katao, kabilang na si Akwa Ibom state Gov. Udom Emmanuel, ang nasa loob ng simbahan nang mangyari ang aksidente, pero ligtas na nakatakas sina Emmanuel at Weeks.

Marami pang mga biktima ang hindi pa nabibilang na napunta sa mga pribadong morge, habang ilan naman ang palihim nang ipinupuslit ang bangkay ng kanilang kaanak dahil napakarami nang siniserbisyuhan ng mga morge.

Unti-unti naman nang inaalis ang mga debris na pinaniniwalaang nakadagan sa marami pang mga biktima.

Read more...