Matatandaang nadiskubre ng EcoWaste Coalition na nagpapatuloy ang operasyon ng naturang crematorium kahit mahigit dalawang taon nang expired ang kanilang permit to operate, mula pa noong May 13, 2014.
Bukod dito nakitaan rin ng grupo ng kapabayaan ang Manila North Cemetery dahil sa paglabag nito sa mga panuntunan sa ilalim ng 1999 Clean Air Act.
Naniniwala rin ang EcoWaste na tutuparin ng Manila City health department ang pangako nilang pag-sunod sa mga environmental control measures para muli nang mapayagan ang pagbubukas ng crematorium.
Tiniyak naman ni acting Manila health officer Benjamin Yson sa DENR na babayaran nila ang mga dapat bayaran, ngunit umapela sila kung maaring babaan ang halaga dahil libre lang ang cremation na iniaalok nila sa mahihirap na pamilya.
Ipinangako rin niya na ipapa-rehistro nila ang pasilidad bilang “hazardous waste generator” at na maglalagay na sila ng pollution control devices para mabawasan ang kanilang emission.