Nanalo si Crawford via technical knockout sa ika-walong round ng kanilang laban sa CenturyLink Arena sa Omaha, Nebraska.
Dahil dito, nanatili kay Crawford ang naka-pusta niyang WBO at WBC junior welterweigh titles.
Kontrolado ni Crawford ang laban mula pa lang sa umpisa, at natapos ito nang mapunta na sa sulok si Molina na pinaulanan agad ni Crawford ng mga sunud-sunod na suntok sa ulo at katawan dahilan para bumagsak ang kalaban.
Dito na pumasok si referee Mark Nelson, at inihinto na ang laban sa 2 minutes 32 seconds mark.
Halos wala namang galos na natamo si Crawford, pero tinamaan rin siya ng kanan ni Molina sa kaniyang ulo sa ikatlong round.
Bago ang laban nito ay tinalo rin ni Crawford ang noo’y undefeated fighter na si Viktor Pistol via unanimous decision noong July.
Dahil dito mas umaasa si Crawford na magkaroon na ng pagkakataon para matuloy ang pinakahihintay niyang laban kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Matatandaang si Crawford ay isa na sa mga dating pinagpiliang makalaban ni Pacquiao sa pagbabalik nito sa ring matapos mag-retiro. /