Baron Geisler, papasok sa boot-camp

BARONNakatakdang pumasok sa ‘boot-camp’ ang kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler.

Sa Instragram account nito, nagpost si Geisler ng serye ng mga litrato kung saan tila naka-bakasyon ang aktor.

Mababasa sa comments section sa isa sa mga litrato ni Geisler ang kumpirmasyon nito na papasok siya sa boot-camp sa Enero 2017.

Sinabi nito na kanyang ini-enjoy ang kalayaan ngayong Disyembre dahil sa susunod na buwan ay nasa boot-camp na siya sabay sabi na ‘Saya yon! Disiplina Sundalo!’

Matatandaang nasangkot na naman sa kontrobersiya si Geisler makaraang ihian ang co-actor nito na si Ping Medina sa isang shooting ng indie film na directed ni Radyo Inquirer News Director at Anchor na si Arlyn Dela Cruz.

Bunsod ng insidente, nagpasya ang Professional Artist Managers Inc. na hindi nila papahihintulutan na makatrabaho ng kanilang mga artista si Geisler.

Pinalitan na ni dela Cruz si Geisler maging si Medina para sa pelikulang ‘Bubog.’

Read more...