Amyenda sa Sin Tax Reform Act, aaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa

cigarettesNakatakdang aprubahan ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa bago mag-Christmas break ang Kongreso ang panukalang pag-amyenda sa Sin Tax Reform Act, na inaasahang magpapataas sa kita ng pamahalaan.

Bukod sa mapalaki ang kita ng gobyerno, layunin din ng panukala na maprotektahan ang maliliit na tobacco farmers at malimitahan ang mga naninigarilyo sa bansa.

Ayon kay House Majority leader Rodolfo Fariñas, pinapanatili sa panukala ang kasalukuyang two-tier structure mula sa unitary tax system na nasa ilalim ng batas na ipatutupad umpisa sa Enero 2017.

Ang House Bill no. 4144, na inihain ni ABS party-list Rep. Eugene Michael de Vera, ay naglalayong amyendahan ang Republic Act (RA) No. 10351 o mas kilala bilang Sin Tax Reform Act at taasan din ang excise tax rates ng alcohol at mga produktong tabako at upang maging pantay ang kompetisyon ng bentahan ng sigarilyo sa merkado.

Para kay Fariñas, mahalagang maisabatas ang proposal dahil tataasan nito ang tax ng sigarilyo na mula sa 32 pesos kada pakete para sa cheaper brand at 36 pesos per pack naman para sa high price brand sa susunod na taon, mula sa unitary na 30 pesos lamang kada pakete.

Sa oras naman na maging ganap na batas, iginiit ni Fariñas na dapat magtrabahong mabutiat hindi tatamad-tamad ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para masiguro na makokolekta nila ang tamang buwis na para sa gobyerno.

Read more...