Aalis ng bansa si De Lima para magtungo sa Estados Unidos at Germany.
Sa advisory ng VACC, ang pagkilos ay ‘Protest of Victims of Illegal Drugs.’
Ayon sa grupo, sa halip na bumiyahe si De Lima, marapat na harapin na lamang nito ang mga kaso dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons o NBP, partikular noong panahong siya’y kalihim ng Department of Justice.
Matatandang naghain ang VACC ng reklamong drug trafficking laban kay De Lima sa Department of Justice, habang disbarment case sa Korte Suprema.
Nauna nang naglabas ng Allow Departure Order ang DOJ, na nagpapahintulot sa Senador na mangibang-bansa.
Si De Lima ay nakatakdang magpunta sa U.S at Berlin, Germany at inaasahang babalik sa bansa sa December 22, 2016.