Russia nakialam sa U.S elections ayon sa CIA

donald-trump
Inquirer file photo

Inilabas ng Central Intelligence Agency ang kanilang assessment report kaugnay sa katatapos na eleksyon sa U.S.

Sa ulat ng Washington Post, sinabi ng CIA na may nakita silang “online interference” na ginawa ang Russia na naging dahilan kung bakit nanalo ang pambato ng Republican na si Donald Trump.

Pinaniniwalaan umano ng Russia na mas makikinabang sila kapag si Trump ang nanalo kumapara kay Hillary Clinton.

Nauna nang inatasan ni U.S President Barrack Obama ang CIA na alamin kung may kaugnayan ang ilang mga cyber attacks bago ang araw ng eleksyon sa naging panalo ng kandidato ng Grand Old Party (GOP).

Natuton ang nasabing mga pag-atake mula sa kuta ng ilang hackers mula sa Moscow.

Gayunman ay hindi na nagbigay pa ng ilang impormasyon ang CIA kaugnay sa kanilang findings.

Kaagad namang binatikos ni Trump ang nasabing report sa pagsasabing bahagi lamang ito ng taktika ng Democrats para sirain ang kredibilidad ng katatapos na halalan.

Sinabi ni Trump na sumablay na naman ang CIA tulad ng kanilang sabihin noon na si dating Iraqi President Saddam Hussein ang nasa likod ng September 11 attack noong 2001.

Read more...