Hunger strike ng mga political prisoners tinapos na pero dedma pa rin si Duterte

NDF-panel
Inquirer file photo

Winakasan na ng mga political prisoners sa Camp Bagong Diwa sa Taghuig City ang kanilang walong araw na hunger strike sa paggunita ng International Human Rights Day.

Sinimulan ng 76 na political prisoners ang hunger strike noong December 3 bilang protesta kay Pangulong Rodrigo Duterte na palayain ang mahigit 400 political prisoners sa bansa.

Matatandaang nagbabala ang NDFP na magbalik-bakbakan kung hindi palalayain ng pamahalaan ang mga political prisoners.

Gayunman, sinabi ni Duterte noong Huwebes na hindi niya maaaring pagbigyan ang kahilingan ng komunistang grupo dahil marami na siyang naibigay na pabor sa mga ito at mauubusan siya ng alas sa  usaping pangkapayapaan ng pamahalaan at ng NDFP.

Aniya, kailangan munang lagdaan ng NDFP ang joint ceasefire agreement bago niya palayain ang mga ito.

Read more...