De Lima pinayagan ng DOJ na pumunta sa U.S at Germany

De-Lima-Vitaliano-Aguirre
Inquirer file photo

Binigyan na ng Department of Justice (DOJ) ng “go signal” si Senator Leila De Lima sa kanyang planong pagbiyahe sa ibang bansa.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nag-isyu na ang DOj ng Allow Departure Order o ADO kay De Lima na nagpapahintulot sa kanya na makabiyahe sa ibang bansa dahil wala pang kasong naisasampa laban sa kanya.

Si De Lima ay nakatakdang tumanggap ng parangal sa US at magsalita sa Annual Conference on Cultural Diplomacy sa Berlin, Germany.

Sinabi ni De Lima na parehong importante ang dalawang event na kanyang dadaluhan bilang senador dahil  magkakaraon siya ng pagkakataon na makapagsalita sa harap ng mga maimpluwensyang world leaders at global thinkers sa pagbibigay kamalayan at suporta sa karapatang pantao.

Tiniyak ni De Lima sa publiko na siya ay babalik muli sa bansa pagkatapos ng kanyang official travel.

Matatandaang isinasangkot si De Lima sa illegal drug trade sa loob mismo ng Bilibid.

Read more...