Tuloy ang byahe ni Sen. Leila De Lima bukas, December 11 hanggang 22 kaugnay sa kanyang pagpunta sa U.S at Berlin, Germany.
Ito’y sa kabila ng lookout bulletin na inilabas ng Department of Justice laban sa kanya.
Sinabi ni De Lima na importante ang nasabing mga byahe dahil tatanggap umano siya ng isang awars sa U.S na susundan naman ng kanyang pagsasalita sa Annual Conference on Cultural Diplomacy sa Berlin.
Paglilinaw ni De Lima, wala siyang balak na takasan ang mga kontrobersiya at kasong kinakaharap sa ating bansa.
Ipinaliwanag din ng opisyal na makakausap niya ang iba’t ibang mga global thinkers at human rights advocates sa kanyang pagbisita sa U.S at Germany at importante umano ang mag ito para maibahagi niya ang tunay na sitwasyon ng ating bansa.
Sa kanyang pagbabalik, sinabi ni De Lima na mas handa na siyang harapin ang mga kasong isinampa sa kanya kaugnay sa isyung may kaugnayan sa iligal na droga.