Isang 8-walong taong gulang na bata at kanyang ina ang nasawi nang tangayin ng malalaking alon mula sa karagatan. Nawawala din ang kakambal ng bata.
Hinambalos ng daluyong ang ilang baybaying lugar sa isla habang papalapit ang bagyo.
Ang bagyong Soudelor ay nag-landfall sa syudad ng Hualien na nasa silangang bahagi ng Taiwan.
Kinailangan ding ilikas ang nasa dalawang libo katao na karamihan ay mga turista mula sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
Mula Biyernes ng gabi ay inilikas na ang mga residente sa New Taipei City bungsod ng mga pag-ulang dulot ng bagyo.
Kinailangan ring ikansela ang nasa 40 international flights palabas ng Taiwan at sinuspindi ang ferry services papasok at palabas ng isla.
Inihanda na ng pamahalaan ang 100 evacuation centers na kaya mag-accommodate ng 45,000 katao at naka-alerto na rin ang nasa 35,000 na sundalo para sa rescue and relief operation.
Taglay ng bagyong Soudelor ang lakas ng hangin na aabot ng 173 kilometers per hour habang tinatahak nito ang direksyon patungo ng Fujian province sa mainland China. / Jimmy Tamayo