Simula sa susunod na linggo, phase out na ang magnetic card na ginagamit ngayon sa LRT Line 1.
Ayon sa pamunuan ng Light Railway Transit Authority (LRTA), ito’y para bigyang daan ang bagong ticketing system o ang tinatawag na contactless smart card o beep card.
Sa mga sasakay sa LRT Line 1, hindi na ipagagamit ang magnetic card at sa halip ay kailangang bumili ng “coupons” ang mga pasahero na manu-manong kokolektahin ng mga security guards.
Ayon sa LRTA, kailangan nilang gumamit muna ng papel na coupons dahil hindi magkakasya ang bagong ticketting machines na ipapalit sa lumang makina.
Ang beep card ay unang sinubukan sa LRT Line 2 noong July 20 at nagsagawa na rin ng public testing sa iba pang LRT stations.
Ang beep card ay produkto ng FP Payments na joint venture ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) at Ayala Corp., na nakakuha ng kontrata ng automated fare collection system sa ilalim ng Public-Private Partnership ng pamahalaan. / Jimmy Tamayo