2 WW2 na barko ng Philippine Navy, ide-decommission na

BRP Rajah Humabon
BRP Rajah Humabon

Sisimulan na ng Philippine Navy ang pag-decommission sa kanilang mga barko noon pang World War 2 na mula sa Estados Unidos na aktibo pa ring ginagamit sa serbisyo.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, nakausap niya ang Flag Officer in Command (FOIC) ng Navy, at sinabing kailangan nang simulan ang decommissioning ng ilan sa mga barkong ibinigay sa atin ng US pagkatapos ng digmaan.

Sinabi ito ni Lorenzana sa kaniyang talumpati sa welcome ceremonies ng BRP Andres Bonifacio (FF-17) sa South Harbor.

Ayon aniya sa FOIC, sa pagbili ng bansa ng mga mas bagong barko, ide-decommission na ang ilan sa mga luma, para hindi mag-diminish ang ating maritime capability.

Ang BRP Andres Bonifacio ang ikatlong weather high endurance cutter mula sa US Coast Guard na dumating mula sa 38 araw nitong paglalayag mula sa California.

Kabilang sa mga barko ng Philippine Navy na mula pa noong World War 2 ay ang mga BRP Rajah Humabon, BRP Rizal, BRP Laguna, BRP Malvar at BRP Quezon.

Read more...