Sa isa kasing talumpati, sinabi ni Duterte na sunod niyang target sa kaniyang drug war ang mga abogado ng drug suspects dahil sinasamantala ng mga ito ang judicial process.
Dahil aniya dito, tila hinahayaan ng mga abogado na ipagpatuloy ang mga iligal na aktibidad ng kanilang mga kliyente.
Ayon sa IBP, lubhang delikado ang pahayag na ito ni Duterte dahil posible itong magsanhi ng hindi maiiwasang “chilling effect” sa mga abogado.
Paliwanag ng IBP, mayroon dapat kalayaan ang mga abogado na magdesisyon kung tatanggapin at dedepensahan nila ang anumang kaso, nang walang panganib na kinatatakutan.
Dagdag pa ng IBP, bukod sa karapatan ng bawat akusado ang competent legal representation, ito rin ang sinumpaang tungkulin ng bawat miyembro ng IBP.
Tiniyak naman ng organisasyon na hindi nila kailanman kukunsintehin ang anumang uri ng “unscrupulous” at “unethical” na gawain sa panig ng kanilang mga miyembro.
Ang nasabing pahayag ay nilagdaan ng kanilang National President at Chairperson of the Board na si Atty. Rosario T. Setias-Reyes; Atty. Abdiel Dan Elijah S. Fajardo, Executive Vice President and Governor for Western Visayas; Atty. Franklin Calpito, Northern Luzon Governor; Atty. Jose De La Rama Jr., Central Luzon Governor; Atty. Bienvenido Somera Jr., Southern Luzon Governor; Atty. Romeo Igot, Greater Manila Governor; Atty. Mae Elaine T. Bathan, Eastern Visayas Governor; Atty. Caesar Europa, Eastern Mindanao Governor at Atty. Domingo Redelosa IV, Western Mindanao Governor.