Layon ng impeachment na matanggalan si Park ng executive power dahil sa umano’y katiwalian nito na naging mitsa ng malawakang protesta sa bansa.
Inilipat ng National Assembly ang authority ni Park sa prime minister habang wala pang desisyon ang Constitutional Court kung raratipikahan ang desisyon at permanenteng tanggalin ang pangulo sa pwesto.
Pwedeng umabot ng anim na buwan ang ruling kung kailan mananatili muna si Park sa Presidential Blue House.
Sa botong 234-56 ay nakuha ang required na two third votes ng mayorya ng tatlong daang miyembro ng chamber.
Matapos ang halos apat na taon sa pwesto ay nahaharap si Park sa posibilidad na maging unang South Korean president na napatalsik sa pwesto.
Nakasaad sa impechment motion ang umano’y paglabag ni Park gaya ng kabiguang maprotektahan ang buhay ng mga tao, bribery at abuse of power.