Pangulong Duterte, biyaheng Cambodia at Singapore sa December 13-16

AP photo
AP photo

Bago pa man matapos ang taon, bibiyahe sa Cambodia at Singapore si Pangulong Rodrigo Duterte sa Disyembre 13 hanggang 16.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, bahagi ito ng introductory visits sa mga ASEAN countries bilang bagong presidente ng bansa.

Sa nasabing state visits aniya ay magkakaroon ng bilateral meeting si Pangulong Duterte kina Cambodian Prime Minister Hun Sen at Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong kung saan tatalakayin ang mga regional concerns.

Ayon pa kay Jose, pag-uusapan din ang chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN sa susunod na taon.

Unang pupuntahan ng pangulo ang Cambodia ng dalawang araw saka didiretso ng Singapore.

Ang Cambodia ang humarang sa ASEAN na maglabas ng pahayag matapos manalo sa UN Tribunal ang Pilipinas sa kaso laban sa China sa isyu ng West Philippine Sea.

Read more...