Arestado ang siyam na Pinoy dahil sa umano’y paggamit ng pekeng identity card o I.D at pagtatago ang I.D ng iba pang indibiduwal sa Port Dickson, Malaysia.
Ayon sa ulat ng Malaysian Digest, ang siyam na Pinoy kasama ang isang Indonesian national, ay naghain ng guilty plea sa paggamit ng pekeng Malaysian ID o MyKads.
Ang MyKads ay isang multi-purpose smart card na ibinibigay sa bawat Malaysian citizen.
Nakilala ang ilan sa mga arestadong Pinoy na sina Albert Kamlun, 25 yrs; Aminuddin Arsyad, 30 yrs old; Basil Asrakal, 30 yrs old at Arjin Alim, 42 yrs old.
Kabilang din sina Rosalinda Richards, Rosnah Sahibal, Sanida Usman, at Karsom Jahali habang ang Indonesian national ay nakilalang si Turija Suparto, 39 yrs old.
Ayon naman sa ulat ng Malaysian-language website na Sayang Sabah, nilabag ng mga suspek ang Section 25 ng National Registration Act and Regulations of 1990.