6 na bilanggo, tumakas sa Marawi City Jail

MARAWI JAIL
INQUIRER FILE PHOTO

Tinutugis ng mga otoridad ang anim na bilanggo na tumakas mula sa Marawi City Jail sa Lanao del Sur.

Ayon kay PO3 Allodin Datua-an, sinabayan ng labing-isang preso ang paglabas ng kanilang mga kaanak na dumalaw sa kanila.

Humantong aniya sa komosyon at kaguluhan ang pagtakas ng mga inmates.

Nabaril ng jail guard ang lima sa mga bilanggo at isa sa mga ito ay nasa malubhang kalagayan.

Naka-confine si Glecirio Pelino sa Northern Mindanao Medical Center sa lungsod.

Naibalik naman sa kulungan ang dalawa sa mga sugatang bilanggo na nagtamo ng bahagyang tama ng bala.

Ang mga bilanggo ay sangkot sa mga kasong pagpatay at pagpupuslit ng iligal na droga sa Marawi City.

Read more...