Sa reklamo ni Matobato, pinaiimbestigahan nito sa Ombudsman ang umano’y ugnayan ng pangulo sa Davao Death Squad (DDS) noong siya pa ang alkalde ng Davao.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, nais lamang ni Matobato na malihis ang atensyon ng pangulo para hindi magampanan ng maayos ang kanyang tungkulin.
Malinaw aniya na teriminated na ng Ombudsman ang imbestigasyon nito sa DDS.
Iginiit pa ni Banaag na hindi maaring disiplinahin ng Ombudsman o ipatanggal sa puwesto ang isang unimpeachable official gaya ng pangulo.
“The complaint is nothing but harassment aimed at distracting the Chief Executive from performing his duty. The Ombudsman already terminated an earlier investigation on the Davao Death Squad case which linked then Davao City Mayor Duterte” ani Banaag.
Malinaw aniya na mayroong immunity si Duterte habang nasa puwesto.
Gayunman, sinabi ni Banaag na nirerespeto ng Palasyo ang karapatan ng sinuman na maghain ng reklamo at bahala na ang Ombudsman na umaksyon dito.