Natagpuan ng epicenter ng lindol sa 43.83 degrees north latitude at 86.35 degrees east longitude.
May lalim itong 6 kilometer at lubhang naramdaman sa Urumqi at iba pang bahagi ng northern Xinjiang.
Ang nasabing lindol ay sinundan ng mahigit 140 na aftershocks kung saan anim dito ay may lakas na 3 hanggang 3.9 magnitude.
Dahil sa lindol, mahigit dalawampung bahay ang lubhang nawasak at aabot naman sa 379 ang nagkaroon ng crack.
Kasunod nito, naglunsad na ang China Earthquake Administration ng emergency response at nagpadala na ng work teams sa Xinjiang para tumulong sa pagbibigay ng ayuda sa mga biktima.
Samantala, aabot naman sa dalawampu’t apat na train ang apektado dahil pansamantalang sinuspinde ang rail services.