Train cars ng LRT-1, muling nadagdagan

 

Halos 20 train cars na ang na-restore ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) pagdating ng katapusan ng Nobyembre.

Ayon sa LRMC, mula sa 77 na gumaganang train cars nang pangasiwaan nila ang LRT-1 noong Setyembre ng nakaraang taon, naiakyat na sila sa kabuuang 96 ang bilang ng mga tumatakbong light rail vehicles (LRV) ngayon.

Dahil dito, mas kaya na ng LRT-1 na magsakay ng mas maraming pasahero at makapagpatakbo ng hanggang sa 30 tren araw-araw.

Matatandaang ang LRMC na ang humawak sa operasyon ng LRT-1 mula noong nakaraang taon matapos mai-award sa kanila ang P65-bilyong halaga ng public-private partnership project para sa operation at maintenance nito.

Ginawa ng LRMC ang restoration ng mga LRVs habang hinihintay pa ang pagdating ng 120 bagong train cars para sa LRT-1 sa 2018.

Read more...