Magnitude, 7.7 lindol, tumama sa Solomon Islands, tsunami warning itinaas

 

Mula sa USGS

Isang malakas na magnitude 7.7 na lindol ang tumama sa karagatang sakop ng Solomon islands, Huwebes ng madaling-araw, oras sa Pilipinas.

Ayon sa US Geological Survey (USGS) unang naitala ang pagyanig sa magnitude 8.0 ngunit ibinaba rin sa magnitude 7.7 kalaunan.

Dahil sa ilalim ng tubig naganap ang paggalaw ng lupa, agad nagpalabas ng tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Center (PTWC).

Partikular na binigyang-babala ng PTWC ang mga residente na nakatira sa mga baybayin ng Solomon Islands, Vanuatu, Papua New Guines, Nauru, New Caledonia, Tuvalu at Kosrae at maging sa Hawaiian islands.

Posibleng tumama ang tsunami sa naturang mga lugar sa loob ng tatlong oras, ayon sa babala ng PTWC.

Matapos ang lindol, sunud-sunod na aftershocks naman ang naitala ng USGS malapit s episentro ng pagyanig.

Read more...