Alvarez, bumuwelta sa batikos ni Robredo ukol sa pag-apruba ng death penalty bill

Alvarez2-0615Pumalag si House Speaker Pantaleon Alvarez sa batikos ni Vice President Leni Robredo matapos makapasa sa House Committee on Justice ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Bwelta ni Alvarez, baka raw nakakalimutan ni Robredo na mismong ang Saligang Batas ay pumapayag na ibalik ang death penalty para sa mga karumal-dumal na krimen.

Ang Konstitusyon din aniya ay mas makapangyarihan sa kahit anong international protocol na nagbabawal ng ganitong parusa.

Minaliit naman ng speaker ang argumento ni Robredo na wala namang patunay na pangontra sa krimen ang death penalty.

Binigyang-diin ni Alvarez sa Bise Presidente na kaya hindi naging matagumpay ang implementasyon ng parusang kamatayan sa bansa noon ay dahil hindi nagkaroon ng political will ang mga nakalipas na administrasyon para isakatuparan ito.

Dagdag pa ni Alvarez, ang Pilipinas na lamang ang bansa sa Asya na walang death penalty at kahit pa ang Estados Unidos na pinakamakapangyarihang bansa sa mundo ay nagpapataw ng ganitong capital punishment.

Read more...