Binigyang diin ni Cortuna na sa nasabing panukala nakasalalay ang proteksyon ng kinabukasan ng mga kababaihan maging ng nga kabataan, lalo ng mahihirap.
Ipinaalala ni Cortuna na maraming kaso ng rape with murder ang may kaugnayan sa iligal na droga.
Nangangamba ang lady solon na dahil ang pinakabatang adik ngayon sa droga ay na sa edad siyam na taong gulang lamang.
Kasabay nito, hinikayat ni Cortuna ang mga kasamahang kongresista na suportahan si House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagsusulong death penalty bill.
Bagama’t tinaguriang “unpopular bill” ito, malinaw na layong nitong mabigyang tulong ang mga biktima ng karumal-dumal na krimen.
Si Alvarez ang pangunahing may akda ng death penalty bill sa Kamara.