Prosekusyon, ipinababawi sa Sandiganbayan ang acquittal kay Elenita Binay

elenita-binay-2Ipinarerekunsidera ng prosecution panel sa Sandiganbayan 4th division ang ginawa nitong pagpapawalang sala kay dating Makati Mayor Elenita Binay sa kasong katiwalian.

May kaugnayan ang naturang kaso sa umano’y anomalya sa pagbili ng Makati City hall ng office furnitures noong alkalde pa si Ginang Binay na nagkakahalaga ng 13.25 million pesos.

Sa isinumiteng motion for reconsideration ng prosecution, binigyang diin na hindi maaaring ibandera sa kanila ang panuntunang nagbabawal sa motion for reconsideration para acquittal decision ng korte.

Uubra pa umanong magrekunsidera ang korte dahil nilabag nito ang karapatan sa due process ng prosecution at umabuso rin ang korte nang balewalain ang kanilang iprinisentang ebidensiya.

Dagdag ng prosekusyon, ibinatay ng korte ang acquittal decision kay Mrs. Binay sa findings ng 5th division na hindi balido ang purchase order na ebidensiya sa dating alkalde.

Iginiit ng mga abogado ng gobyerno na kung pagbabasehan ang kanilang sariling ebidensiya ay malinaw na malinaw ang anomalya sa pagbili noon ng Makati City hall ng office furniture.

Read more...