Mga militanteng tutol kay Año, sumugod sa Kampo Aguinaldo

rally vs año
Photo by Ruel Perez

Sumugod sa Kampo Aguinaldo ang nasa 300 mga militante na tutol sa pagkakatalaga bilang bagong AFP Chief of Staff na si Lt Gen Eduardo Ano

Pinangunahan ng grupong Alliance of Disaster Survivor in Eastern Visayas ang kilos protesta upang kundinahin si Pangulong Duterte kasunod ng pagtatalaga kay Ano bilang bagong pinuno ng sandatahang lakas

Inaakusahan ng grupo si Ano bilang human rights violator at itinuturong responsable umano sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos sa Bulacan nuong taong 2006.

Bahagya naman nakaapekto sa daloy ng trapiko ang mga militante sa EDSA na kusa din nagdisperse matapos ang isinagawang kilos-protesta.

Read more...