Nakaamba ang bigtime oil price hike ng mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Posibleng umabot sa P1.50 sa kada litro ng gasolina at kerosene ang dagdag presyo at P1.40 ang itataas sa kada litro ng diesel.
Binanggit na dahilan ng oil companies ang abnormal na galaw sa world market kaya magtataas sila ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Inaasahan naman na masusundan pa ang oil price increase sa susunod na mga linggo hanggang hindi nagbabago ang kundisyon sa world market.
MOST READ
LATEST STORIES