Ang plunder ay kabilang na sa dalawampu’t isang krimen na papatawan ng death penalty sa ilalim ng substitute bill na inaprubahan ng House Committee on Justice.
Ayon kay Farinas, posibleng mabawasan pa ang mga nakalistang krimen sa panukala, pero hindi aniya dapat alisin ang plunder.
Paliwanag nito, ang plunder ay marapat lamang na ihanay sa heinous crimes lalo na kung masyadong malaki ang nadambong na salapi sa kaban ng bayan.
Mahirap din aniya kung aalisin ito sa mapapatawan ng parusang kamatayan dahil tiyak na aakusahan sila ng pagbibigay proteksyon sa kanilang interes lalo pa’t mga politiko at mga nasa gobyerno ang nasasabit sa pandarambong.
Nauna nang sinabi ni Farinas na maisasalang na agad sa plenaryo para sa sponsorship ang death penalty bill at mauumpisahan agad ang debate dito.
Gayunman, ang approval sa panukala ay hindi na ipipilit bago mag-Christmas break at sa halip ay pagbobotohan na lamang ito sa Enero 2017.