De Lima, tinawag na “murderer” si Pangulong Duterte

duterte-de-limaTinawag na “murderer” o mamamatay tao at tatay ng lahat ng umano’y extra judicial killings (EJKs) sa bansa ni Sen. Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos ipagtanggol ng pangulo ang mga pulis na isinasangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Ayon kay De Lima, ang mga naging pahayag ni Duterte ay tila pag-amin na siya mismo ang nag-utos o ang mastermind sa pagpatay kay Mayor Espinosa.

Mas lalo aniyang pinatunayan ng pangulo na siya ang tatay ng EJKs na dati ay sa Davao lamang nagaganap noong siya ay alkalde at ngayon ay sa buong bansa na.

Malinaw aniya na ngayon ay mayroon nang Presidential Death Squad ang bansa.

Binanggit din ni De Lima na dapat magdasal na ang publiko na itigil na ni Duterte ang lumalaganap na patayan sa bansa bago mag Pasko.

Kahapon, inihayag ni Pangulong Duterte na hindi niya hahayaan na makulong ang mga pulis na sangkot sa Espinosa killing.

Ang tinutukoy ng pangulo ay ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) team na pinangungunahan ni Supt. Marvin Marcos.

Una nang iginiit ng CIDG Region 8 na napatay si Mayor Espinosa sa shootout, pero sa lumabas na findings naman ng National Bureau of Investigation, rubout ang nangyari.

Read more...